Total Pageviews

Sunday, January 1, 2012

First Post for the Year 2012~

Happy New Year Everyone!

I'm gonna write in my native language. :)

Ang 2011 at talagang naging napakamabuti sa akin at sa aming pamilya. Biniyayaan kami ni Lord ng marami at hindi niya kami pinabayaan. Kahit mahirap na ang buhay ngayon, swerte kami kasi nakakakain pa kami ng tatlong beses sa isang araw, at sobra pa dun. Nabibigay pa nga ang higit pa sa aking mga pangangailangan. May ibang mga pamilya na kahit kumain ng isang beses sa isang araw ay mahirap na para sa kanila.

Salamat sa mga taong naging parte ng aking buhay. Salamat unang-una, kay Lord. Kung hindi dahil sa kanya, malamang ay hindi ko na alam kung saan ako pupuluting eskinita ngayon. Maraming salamat din sa aking mga magulang na matiyagang nagtatrabaho para sa kapakanan naming magkapatid, sa aking kapatid, mga "relatives", mga kaibigan, mga kaklase, at ang aking mga guro. Salamat sa mga taong laging nandyan para sa akin. Salamat sa mga magagandang mga bagay na inyong ibinahagi sa akin. Salamat sa pagbibigay kulay sa aking buhay.

Napakasaya ng aming pagsalubong sa bagong taon, maraming masasarap na pagkain at masasayang mga gawain.

Alam kong hindi lahat ay masaya ang pagdiwang ng Bagong Taon (at Pasko rin). May nasalanta ng bagyong Sendong sa CDO, Iligan at sa ibang parte ng Mindanao. Maraming pamilya ang nawalan ng ama, ng ina, ng anak, o ng kaibigan. Nawalan rin sila ng hanapbuhay. Ipinapanalangin ko po ang mga taong ito na sana po ay huwag Niyo Po silang pabayaan.

Pinapanalangin ko rin ang mga matatandang malungkot at mag-isa lamang, mga taong nasa kulungan, mga taong hindi nabigyan ng hustisya, mga taong "depressed" at iniisip na ang magpakamatay, mga taong nasa ospital at nag-aagaw buhay, at ang mga taong naghihirap para mabuhay lamang ang kanilang pamilya. Nawa po'y bigyan niyo sila ng kaliwanagan at lakas para magpatuloy sa buhay at hindi mawawalan ng pag-asa.

Ipinapanalangin ko rin ang aming mga pambansang lider na sana gabayan niyo sila sa pamumuno ng ating bansa.

Ngayong 2012, sana ay malampasan ko ang lahat ng pagsubok na darating sa akin. Alam kong magiging okay lang ang lahat kasi nandyan si Lord. Sana ay mabiyayaan din ang ibang tao at maging masagana ang kanilang buhay.

Manigong Bagong Taon sa lahat. Nawa'y pagpalain kayo ng Maykapal.

^_^

No comments:

Post a Comment