Kaninang morning, ginising ako ni mama. Tanong niya, "Anong oras ang klase mo?"
Nakagising ako at nakatingin sa aking cellphone. 7:50 na!
Nagpa-alarm naman ako sa aking cellphone, pero bakit hindi tumunog?!!!
Oh my gosh! Ang klase ko pa naman ay 8:00...
Kahit na masyado na akong late, nagbihis pa rin ako at naligo sa aking paraan na napakabilis. Nagsipilyo rin ako pagkatapos.
Nagpahatid nalang ako kay papa para naman mablis bilisan ang aking pagbiyahe paputang paaralan. Mga 7 minutes ride lang naman papuntang school galing bahay.
Tumingin ako sa orasan. 8:10 na. Wala na akong pag asa.
Pagkababa ko sa sasakyan, nakita ko pa ang aking mga kaklase sa mga upuan. Nagtaka ako kung bakit. Tulad ko, abala rin sila sa pagtapos ng aming assignment. Ang assignment na iyon ay siayng dahilan kung bakit matagal ako nakatulog (mga 3:40 or 4:00 am na 'yon).
Sinagutan namin ang mga assignment. Akala ko wala ang aking professor.
Nung umakyat na kami, mga 8:27 na iyon. Nagtaka ako kung bakit nagpa-late sila. Nagtanong ako, "Bakit tayo papasok? 30 minutes late na si sir!"
Biglang sabi ng kaklase ko, "8:30 mag start ang klase natin ui!"
At ito ang dala ng break sa akin. Nagkapartial-amnesia ata ako, kahit schedule ko nakalimutan ko na. :)))
No comments:
Post a Comment