1. Nakasakay ng HH (habal-habal) papuntang school.
2. Napaso sa tambutso ng HH.
3. Dahil doon, nag Pri-princess na ako. Na trauma na ako sa HH.
4. Sumasakay pa ng Ikot jeep papuntang Kanluran building.
5. Nalaman ko na may dahon pala ang babang parte ni Oble (seriously, never ko tinitingnan ung lower part nya.)
6. Naglakad ng 900 m galing Kanluran papuntang CHSS. (900 meters ba yun?)
7. Naglakad ng malayo para makarating sa Kalimudan para kumain at magpaphotocopy.
8. Pina sample na kumanta sa buong klase (nakakahiya talaga yun).
9. Nagstastambay sa Library pag free time kasi walang classroom.
10. May adventure every PE day kasi malayo ang HKC. Naputikan din ng bongga ang sapatos ko. XD
11. Natakot sa isang tuta na nasa Kanluran.
12. Gumawa ng Myths tungkol sa mga statwa na nasa Kanluran.
13. Nabasa dahil sa napakalakas ng ulan at sumilong sa Atrium.
14. Nagkaroon ng teacher na may “British Accent”. XD
15. Na culture shock ng bonggang bongga.
16. Nagkaroon ng bagong friends.
17. Masaya ako dahil maraming anime addict sa Bloc namin. XDD
18. Na meet ung mga up-class galing sa aming high school. :)
19. Kinabahan kasi nakalimutan ang Form 5 nung NSTP. Mabuti nga na hindi chineck ng teacher.
20. Na amaze sa isang teacher kasi nice ang heels nya. Iba-iba everyday. XD
21. “MGA BAMBOO KAYO!” ang favorite line ng BSCS freshmen. XD
22. Naging ka look-alike si Vice Ganda sa AH4. Wala kasi akong ibang maisip na look alike. Sabi ng isa kong classmate na Vice Ganda nalang daw, so yun. :)))
23. Naka-meet ng upclass na fan din ng Hey Say Jump!
24. Na shock sa invitation galing sa isang activist group. T_T
25. Nabaguhan kasi walang librong gagamitin.
26. Dali-daling nag take down ng notes kasi mabilis ang slideshows.
27. Nag extract ng DNA for the 2nd time sa MST5.
28. Nag nosebleed sa mga articles na napakahaba at napakahirap intindihin. :D
29. Natakot na habulin ng mga baka na nadadaanan papuntang HKC, kasi naman, maroon ang aming jogging pants.
30. Napahiya sa klase. Promise, never na talaga yun mauulit.
31. Naka meet ng kawawang aso na pinapakain namin tuwing Lunch Time. :)
32. Iba’t ibang klaseng tao ang na-encounter ko. May mabait, may masungit, may lingaw kausap, etc…
33. Feel ko na “I’m one with the nature”. XD
34. Na-feel ko na talagang na miss ko na ang high school teachers and friends ko, lalong lalo na ang Syndrome. :’(
35. Kailangan ng disiplina at advance studying. At syempre, dapat palaging nagbabasa.
36. Iba talaga ang HS sa College. Ang paraan ng pagtuturo sa kolehiyo ay mahirap at hindi “spoon-fed” tulad ng sa HS. Nakapakaraming asignatura ang dapat gawin, at hindi pa pwede paki-usapan ang Prof. tungkol sa deadline. Kailangan mong matutong “mag-survive” at mag aral ng mabuti. Kailangan din ng time management at balanse. Kailangan maging flexible sa lahat ng bagay at hindi dapat maging maarte. Kailangan ding makipag-friends sa iba.
YUN LANG ANG MASASABI KO SA NGAYON. Sigurado akong mas higit pa ang pahirap na aking mararanasan sa mga susunod na araw. Pero, sa tulong ng Panginoong Diyos at pag-aaral ng mabuti, samahan na rin ng suporta ng pamilya at mga kaibigan, alam ko na kakayanin ko ito at malalampasan ko ang pagsubok sa aking biyahe sa pagiging Iska. Sana hindi ako mawalan ng pag-asa kung papalpak ako. Panginoon, bigyan niyo po ako ng talino at tatag ng loob.
Kung nababasa man ito ng kapwa ko Isko/Iska, gawin natin ang lahat ng bagay sa abot ng ating makakaya. Gawin natin ang lahat para maka graduate “on-time”.
Gambatte sa ating lahat! :)
No comments:
Post a Comment